(Kidapawan City/ April 23, 2013)
---Malaki raw ang pag-asa na
makakapag-uwi ng medalya ang abot sa 80 mga atleta mula sa North Cotabato sa
Palarong Pambansa sa Lomberto Sports Complex, Dumaguete City na nagsimula na
nitong Linggo.
Ayon kay DepEd Cotabato
Schools Division Sports Coordinator and Trainer Ed Rosete, ito ay matapos ang
dibdibang training ng mga atleta sa larangan ng basketball, baseball, football
at mga indoor sports.
Ang naturang bilang ng
mga atleta ay bahagi ng abot sa 400 atleta mula sa iba’t-ibang elementary at
high schools sa North Cotabato, South Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa Region
12.
Ayon kay Rosete,
nagpakita ng magandang performance ang mga atleta mula sa North Cotabato sa
nakaraang Cotabato Provincial Schools Athletic Association o COPRISAA at
Cotabato Regional Athletic Association o CRAA.
Maliban rito, nagawa
ring makakuha ng abot sa 54 medalya ng mga atleta mula sa Rehiyon Dose sa
Palarong Pambansa noong 2012.
Matatapos naman ang
Palarong Pambansa sa April 27 araw ng Sabado.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento