Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kidapawan City LGU, walang gen set; nirereklamo dahil mga transaksiyon sa gobyerno nababalam


(Kidapawan City/ April 24, 2013) ---Kinuwestiyon ng ilang sektor sa Kidapawan City ang kawalan ng generator ng Kidapawan City hall.

Matagal na raw dapat nakabili ng generator set ang LGU dahil importante ito lalo pa’t napakaraming transaksiyon ang nababalam kapag may brownout.


Pero ayon sa report ng pinagkakatiwalaang source hanggang ngayon ay wala pa raw aksiyon ang city LGU sa nasabing reklamo sa kabila ng kahilingang gawin itong prayoridad sa harap ng krisis sa kuryente. 

Samantala, maliban sa umano’y delay sa pagsumite ng daily time record o DTR ng mga casual at job order ng Kidapawan City LGU, ang madalas na brownout ay dahilan din ng delay sa kanilang sweldo.

Ayon kay Kidapawan City Treasurer Elsa Palmones, malaki ang epekto ng halos limang oras na brownout araw-araw dahil nape-pending ang kanilang mga trabaho.

At dahil malaki rin ang bilang ng mga casual at job order ay mas nagtatagal raw ang proseso sa paggawa ng sahod.

Ito ang tugon ni Palmones sa mga reklamong ipinarating sa kanya ng mismong mga empleyado ng city hall sa delayed at mabagal na release ng sweldo. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento