Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Inirereklamong kalsada sa Midsayap, kabilang sa priority project na ipapatupad sa 2013


(Midsayap, North Cotabato/ October 17, 2012) ---Nilinaw ng tanggapan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na nakahanda na ang pondong gagamitin ppara sa concreting ng kalsada sa Barangay Kiwanan dito sa bayan.

Nabatid na isa ang proyekto sa mga prayoridad na maipatupad sa susunod na taon.


Ipinaliwang ni Congressional District Office Political Affairs Officer VI engr. Jerry Pieldad na inaasahan ang implementasyon ng proyekto sa January 2013.

Binigyang-diin ng opisyal na sumasailalim sa mga proseso ang pagpapatupad ng mga proyekto sa distrito.

Samantala, inihayag naman ni Kiwanan barangay Kagawad at infrastructure committee chairperson Richer Devila na nagkaroon na ng inisyal na pagpupulong ang barangay council kay Cong. Sacdalan kaugnay ng proyekto.

Ayon kay Kagawad Devila, naglaan umano ng P2 Milyon ang opisina ni Cong Sacdalan para sa road concreting project sa barangay.

Hinikayat naman ng mga opisyal ng pamahalaang pambarangay ng Kiwanan ang mga mamamayan sa lugar na huwag mainip sa paghihintay dahil malinaw namang may pondo na para proyekto. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento