(Kabacan, North Cotabato/
January 2, 2013) ---Naging matahimik at matiwasay sa kabuuan ang pagsalubong ng
bagong taon sa bayan ng Kabacan.
Ito ang sinabi sa DXVL
Radyo ng Bayan ni Supt. Leo Ajero na wala naman umanong mga malalaking
insedente ng mga natamaan ng mga firecrackers o mga paputok sa pagsalubong ng
bagong taon kahapon.
Aniya, nakapagtala sila
ng zero casualty sa AOR ng bayan sa pagsalubong ng taong 2013.
Samantala, sa bayan ng
Carmen --- Tinamaan
ng ligaw na bala sa magkabilang hita ang isang lalaki sa brgy. Aroman ng
nabanggit na bayan nitong besperas na bagong taon.
Nakilala ang biktimang si Romel Calyet, walang
asawa at residente ng nabanggit na lugar na mabilis naming isinugod sa USM
ospital na ngayon ay patuloy na nagpapgaling.
Inihayag naman ni PC/Insp. Elias Diosma
Colonia na naging matahimik naman sa kabuuan ang pagsalubong ng bagong taon sa
bayan ng Matalam na wala naman umanong mag malalaking insedente ang naitala sa
kanilang blotter log-book sa kabuuan ng pagsalubong ng bagong taon.
Samantala, may kabuuang 34 firecracker-related injuries ang naitala sa pagsalubong ng bagong
taon sa Central Mindanao batay sa record ng Department of Health (DoH 12).
Sa lalawigan ng South Cotabato ang may pinakamaraming bilang mga
mga biktima na abot sa 15 15; Cotabato City 5; General Santos, 2; at ang iba ay
mula sa Sultan Kudarat at iba ay mula sa iba’t-ibang lugar sa Central Mindanao.
Ipinapakita sa nasabing datus ng DOH na ang mga biktima ay mula
edad 10-15 taong gulang at pre-school children at mga adults. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento