Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Pres Derije, handang tanggapin kung anu ang magiging desisyon ng kanyang re-appointment bukas

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 3, 2013) ---Sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije na wala siyang kaba at handa umano nitong tanggapin kung anu man ang magiging desisyon ng kanyang re-appointment bukas.


Tiwala ang opisyal na nagampanan nito ng mabuti ang kanyang tungkulin bilang pangulo ng Pamantasan sa pagpapalakas at pagpapatatag ng four fold function ng University of Southern Mindanao.

Bagama’t aminado ang Pangulo na hindi perpekto ang kanyang pamunuan, bukas naman umano siya sa anumang kritisismo at payo mula sa kanyang kritiko.

Iniuugnay pa ng Pangulo sa papalapit na halalan ang malaking kaganapan bukas sa Pamantasan na parang eleksiyon din, pero nilinaw nito na hindi bukas ang office of the President dahil walang magaganap na search for the posisyon ng pagka-pangulo sa Pamantasan dahil aniya, sinasaad sa batas na ang incumbent President ay entitled for re-appointment.

Bukod dito, nag-courtesy call din si Dr. Derije kasama ng mga kasamahan noong Disyembre 30 sa masyon ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at ipinakita ang kumpletong dokumentong certified true and correct at authenticated ng chairman ng Bids and Award Committee na si Dr. Antonio Tacardon.

Ito ang naging alegasyon umano ng ilang mga kritiko ng Pangulo at sa ilan pang mga kasamahan sa Pamantasan.

Ang nasabing dokumento ay isusumite ni Executive assistant to the Pres. Bebot Moneva sa Provincial Capitol at bibigyan din nila ng kopya ang Board of Regents o BOR ng USM. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento