Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Incumbent USM Pres. Dr. Derije; nananatiling Pangulo pa rin ng Pamantsan sa kanyang ikalawang term


(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2013) ---Opisyal ng uupo bilang Pangulo pa rin ng University of Southern Mindanao sa kanyang ikalawang term si USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije nukas, January 8, 2013.

Ito ang sinabi sa DXVL ni Board of Regents Secretary Dr. Nora Manero matapos na makuha ng Pangulo ang majority number of votes sa katatapos na BOR nitong Biyernes, batay na rin ito sa United stand ng regents.

Aniya dumaan sa masusing pagsisiyasat ang evaluation ng Pangulo na pinangungunahan ni evaluation committee chair Brother Wilfredo Lubrico ng President ng Notre Dame of Marbel University na ipinakita nito ang iba’t-ibang mga proseso at pulong na isinagawa sa nasabing evaluation buhat sa iba’t-ibang mga client’s ng Pamantasan at pang huli dito ang interview sa Pangulo.

Matapos ang isinagawang report ng evaluation committee chair tinanong ng chairwoman ng Commission on Higher Education sa kinatawan ni Dr. Patricia Licuanan kung anu ang magiging remarks ng kasapi ng BOR at dtto napag-alaman na agad naming ina-dopt ang recommendation ng evaluation committee.

Pero sinabi ni Dr. Manero na may dalawang objection kaya idinaaan ito sa botohan.

Sa 11 kasapi ng BOR, ang bagong FA Pres sa katauhan ni Prof. Ronald Pascual ay di maaring sumali sa botohan, batay na rin sa inilabas na derektiba ng opisina ng solicitor General, ayon kay Dr. Manero, dahil kasapi ang opisyal sa evaluation committee at hindi rin maaring makabuto ang Pangulo.

Kaugnay nito sa 9 na nag cast ng kanilang votes 6 dito ang pumabor sa muling pagkakaluklok sa incumbent Pres habang 3 ang nagsabing no sa re appointment ni. Dr. Derije, ito ayon kay Dr. Manero.

Alas 4:00 ng hapon nitong Biyernes ng official ng inilbas ang resulta ng pagkakare-appoint ni Dr. Derije, Kasunod nito, may inilabas na rin ang appointment ng PAngulo sa BOR at pagtake oath na rin sa kanyang office. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento