(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2013)
---Patay ang vice Mayor ng Bayan ng Kabacan, North cotabato makaraang
pagbabarilin ng mga di pa nakilalang salarin sa USM Avenue, partikular sa harap
ng Allan’s Bookstore na establisiemento, Poblacion alas 3:00 ngayong hapon
lamang.
Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si
Kabacan Vice Mayor Policronio Dulay na resident eng lugar sakay sa kanyang
scooter na motor ng papalabas ito sa isang tindahan ng sito ay pagbabarilin.
Bulagta ang biktima at duguan matapos na
pagbabarilin.
Isang basyo ng .45 na pistol ang narekober
sa crime scene.
Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari pero hindi nila
isinasantabi ang pulitika sa nasabing kaso. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento