(Kabacan,
North Cotabato/ January 11, 2013) ---Isang tama ng kalibre 45 pistola ang
tumapos sa buhay ni Kabacan vice mayor Policronio Dulay ngayong hapon lamang sa
kacan, Cotabato.
Naganap
ang pamamaril sa harap ng Allan’s bookstore na nasa USM Avenue. Sa panayam ng
DXVL sa mga trabahante ng naturang tindahan, nabatid na bumili ng kandila ang
vice-mayor dakong alas-tres ngayong hapon.
At
paglabas nito ng tindahan at papasakay na sana sa kanyang zusuki scooter na may
plakang 8028 ON nang barilin ng suspek.
Isang
bala ang tumama sa kanang tagiliran ng biktima habang may isang pang balang
hindi pumutok ang narekober ng mga otoridad.
Bulagta
si vice-mayor sa mismong tabi ng kaniyang motorsiklo na kung pagbabatayan ay
papasakay pa lamang ito.
Sa
ngayon ay nasa lugar pa rin ang mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives
para sa malalimang imbestigasyon.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung may kinalaman sa pulitika ang
pagbaril-patay kay Vice Mayor Dulay lalo pa’t papalapit ang halalan ngayong
buwan ng Mayo.
Ilang beses na umanong pinayuhan ng mga kasamahan nito sa
Sangguniang bayan ng Kabacan si Vice-mayor Dulay na kumuha ng security escorts
nito para sa kaniyang seguridad subalit tumanggi ito.
Ayon kay Kagawad Reyman Saldivar, sa tuwing napag-uusapan ang
naturang bagay, tanging sagot lamang ng pinaslang na opisyal ay hindi nito
kailangan sapagkat wala naman umano siyang kalaban o kahit na anumang banta sa
kanyang buhay.
Samantala, dinala rin kanina ang bangkay
ni Vice-mayor Pol Dulay sa Kabacan Medical Specialist at doon at idineklara
itong dead on arrival. Sa panayam ng DXVL FM news kanina kay Police officer
Jubernadin Panes, tanging mga doctor lamang kasi ang makakapagdeklara kung
patay na ang biktima bagama’t sa sitwasyong kanilang inabutan sa crime scene
kanina ay dead on the spot ito.
Nang matanong ng NEWS team kung bakit natagalan ang pagdadala
ng katawan ng biktima sa ospital, ipinaliwanag ng opisyal na kagustuhan ng isa
sa mga kaanak nito na huwag munang gagalawin ang katawan nito.
Nasa kaalaman na rin ni Kabacan Mayor George Tan ang
pangyayari na ngayo’y kasalukuyang nasa Maynila para sa isang mahalagang lakad.
Namataan din kanina ng DXVL News Team sa ospital ang maybahay nitong si former
Kabacan Mayor Luz Tan na agad nakiramay sa pamilya ng pinaslang na opisyal.
(Allan Guleng Dalo)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento