Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagsunod sa higher education reform agenda na iniatas ng CHED, ipinapangako ng Pangulo ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2013) ---Matapos na muling nailuklok sa pwesto si USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije, upang maglingkod ng apat na taon sa University of Southern Mindanao, ipinapangako nito na tatalima siya sa iniatas ng Commission on Higher Education na higher education reform agenda.


Aniya, kung anuman ang mga kursong offer ng charter ay dapat na ayusin at ipagpatuloy kagaya ng magagandang resulta ng licensure exam sa akademik matters, mga pangangailangan ng estudyante at faculty.

Aminado rin ang Pangulo na wala na siyang nakikitang problema sa larangan ng Research na pinamumunuan ni vice Pres for research and Extension Dr. Emma Sales dahil nakalikom ang Unibersidad ng abot sa mahigit P200M externally funded research.

Kaugnay nito, inihalimbawa naman ng Pangulo ang Household Enhancement Livelihood Program for Muslim Community ni Senador Angara sa napakaraming extension services ng USM na ngayon ay patuloy na tinututukan.

Sa isang press conference na ipinatawag ng pangulo sa mga kagawad ng mamamahayag nitong Lunes, nais nitong humingi ng patawad sa lahat ng mga nasaktan niya.

Sa kabila ng mga batikos sa kanyang administrasyon, sinabi ni Dr. Derije sa media na ang kanyang re-appointment ay patunay lamang na marami pa ring miyembro ng BoR ang sumusuporta sa kanya. 

Samantala, sinagot din ng Pangulo ang diumano’y alegasyon sa kanya ng ilang mga grupo ng faculty sa USM.

Aniya sa ilang taon nitong paninilbihan sa Pamantasan, tiniyak nitong walang anumang ghost deliveries at overpricing sa supplies at proyekto na maipapasok sa pamantasan kungsaan nakasunod sa Republic Act 9184 na Procurement Law ang lahat ng mga transaksiyong ito.

Kung matatandaan, noong mga unang bahagi ng 2012, may isinampang criminal at administrative case kontra sa Pangulo, isa sa mga akusasyong ito ay ang pagbili diumano ng brand new vehicle gamit ang school funds.

Makaraan ng ilang buwan ay pinasumite ang Pangulo ng kaukulang dokumento hinggil sa naturang kaso.

Na bagay namang naiprisinta at naisumiteng may certified true at authenticated ang naisubmit ng opisyal sa Ombudsman Davao city.

Bwelta pa nito sa mga nag-aakusa sa kanya na korup, bagama’t ayaw niyang tukuyin, ito yung mga tao umanong questionable ang integridad at may mga problema sa auditing sa Pamantasan.

Sa kabila nito, iniaalok pa rin sila ng Presidente ng reconciliation at nais nito ang unification kapwa sa kanyang kritiko at supporters para magkaroon ng magandang pakikitungo sa USM na ang nais ay patatagin at palakasin ang fourfold function ng University of Southern Mindanao.

Sa ngayon wala pa umanong statement na inilabas ang grupo ng kritiko hinggil sa iniaalok na peaceful settlement sa kampo ni Dr. Derije. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento