Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

SB-Kabacan magpapasa ng resolusyon para sa reward money sa makapagturo sa suspek sa pagbaril kay vice Mayor Pol Dulay


(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2013) ---Nakakalungkot para sa mga mamamayan ng Kabacan ang nangyaring pagbaril patay kay Vice Mayor Policronio Dulay.

Agad namang kinondena ngayon ng ilang mga grupo at mga kasamahan sa trabaho at gobyerno ang nasabing insedente.

Sa panayam kay councilor Reyman Saldivar, agad silang magpapasa ng resolusyon sa sangguniang bayan ng kabacan para magpapalabas ng pondo sa sinuman ang makakapagturo sa nagbaril sa pangalawang ama ng bayan.

Sa ngayon, planu na ng LGu Kabacan na ilagay sa half mask ang watawat sa harap ng munisipyo.

Batay sa inisyal na nakalap na report ng DXVL News, nag aagaw buhay pa umano ang bise alkalde ng mangyari ang pamamaril, pero wala umanong tumulong sa kanya para dalhin sa ospital.

Bumili ang biktima ng kandila sa allan bookstore at ng papalabas na siya ay bigla na lamang itong binaril ng mga nakasakay, ayon sa report sa isang motorsiklo na mga riding in tandem.

Ayon sa inisyal na report ng SOCO, sa kanang tagiliran tinamaan si vice Mayor Pol dulay at hindi umano tumagos ang bala sa loob ng kanyang katawan.

Narekober ang isang empty slug ng .45 na basyo na ginamit sa pagbaril sa suspek ang isa ay di ito pumutok.

Agad namang ipinarating ng mga konsehal ng bayan ang report kay Kabacabn Mayor George Tan na ngayon ay nasa isang pagpupulong sa Maynila.

Sisikapin din umanong maka-uwi ni Mayor George Tan, para siyasatin ang totoong pangyayari habang ginagawa ang news na ito ay inatasan na niya ang mga otoridad na magsigawa ng malalilamng imbestigasyon sa nangyari.

Si Vice Mayor Pol dulay ay 70, taong gulang at residente ng Maria Clara, Poblacion, Kabacan.

Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa alam ng kanyang may bahay ang nagyari sa opisyal, ito dahil may sakit ang kanyang may bahay na nakilalang si Florieta Arcieta Dulay.

Si vice Mayor Pol dulay ay nagserbisyo sa Sangguniang bayann g Kabacan bilang councilor ng tatlong term matapos na magretiro ito sa serbisyo mula sa PNP at 2 term sa pagka bise alkalde at last term na san nioya ito ngayon.

Sa mga oras na ito ay patuloy pa ang ginagawang pagsisisyasat ng mga SOCO team.

Hindi naman isinasantabi ng mga otoridad na pulitika ang isa sa mga anggulong motibo sa pagbaril sa biktima. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento