(Matalam, North
Cotabato/ January 9, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng
Matalam PNP sa kung anu ang motibo sa pagbaril patay sa isang security guard ng
isang agricultural buying station sa loob ng Matalam Public Market, Matalam,
North Cotabato alas 6:00 kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Sr. Insp. Elias
Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Jerry Carbillos Amatorio, 29,
security guard ng VCL Buy and Sell sa Poblacion ng nabanggit na lugar.
Sa inisyal na
pagsisisyasat ng mga otoridad, nabatid na nakatayo umano ang biktima sa
entrance ng nasabing tindahan ng siya ay lapitan ng isa sa mga tatlong di pa
nakilalang mga suspek at walang pasabing pagbabarilin.
Sa ulo ang tama ng
biktima at sa kanyang dibdib na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.
Mabilis namang tumakas sa
di malamang direksiyon ang suspek na bumaril kay Amatorio sakay sa isang motorsiklo
na look ng mga suspek na naka-abang di kalayuan sa pinangyarihan ng insedente. Ito ang unang insedente ng shooting incident
sa Matalam PNP batay sa blotter log book.
Sa bayan ng Carmen, North Cotabato ---Arestado ng mga otoridad noong Lunes ang
isang magsasakang akusado sa isang krimen na matagal ng pinaghahanap sa batas
sa loob ng pitong taon.
Kinilala ni PC/Inps.
Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP ang suspek na si Elpidio Nolada na mas kilala sa Barangay
Ugalingan, Carmen na Abdul Aguila.
Si Nolada ay wanted
dahil sa kaso nitong homicide taong 2006 ng diumano’y napatay nito ang aknilang
kapitbahay sa bayan ng Matalam.
Ang suspek ay nahuli sa
isang traffic check sa highway sa nasabing bayan alas 10:25 ng umaga. Ang
suspek ay sakay sa kanyang motorsiklo at tinatahak ang kahabaan ng National
highway ng ito ay mahuli makaraang ma-identify ang pagkakakilanlan nito dahil
kabilang ang suspek sa mga most wanted person sa probinsiya ng North Cotabato,
pitong taon na ang nakalilipas, ayon kay Marobojo. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento