Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nilalaman ng Bangsamoro Framework Agreement; ipinaliwanag sa mga mamamayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2013) ---Nagpasalamat ang iba’t-ibang sektor buhat dito sa bayan ng Kabacan sa pag-sponsor ni Kabacan Mayor George Tan ng isinagawang advocacy and educational program hinggil sa nilalaman ng Bangsamoro Framework Agreement sa Municipal gymnasium kahapon ng umaga.


Ito ayon kay Municipal Registrar head Gandy Mamaluba, ang moderator ng nasabing aktibidad, kungsaan abot sa libu-libung mamamayan ng bayan ang dumalo sa nasabing programa.

Sinabi ni Mamaluba, na agad na isinagawa ang open forum at ipinaliwanag dito na hindi magkakaroon ng sariling watawat ang Bangsamoro government sakaling maitatag ito, ayon na rin sa pangunahing tagapagsalita ng Office of the First  Vice Chairman ng MILF Central committee na si Prof. Bary Angkal.

Ito dahil sa malinaw namang isinasaad sa nasabing kasunduan na ang Bangsamoro government ay sailalim pa rin umano ng Central government ang Republic of the Philippines.

Kaugnay nito, wala naman umanong bubuuing arm forces ang Bangsamoro, bagkus ay itatatag lamang nila ang Bangsamoro Police.

Bagama’t hindi pa tapos ang nasabing probisyon, nilinaw naman ng tagapagsalita na hindi magiging kaaway ng Bangsamoro Police ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Dadaan pa umano sa masusing proseso ang gagawing implemantasyon ng nasabing Bangsamoro Police.

Sa panig naman ng wealth sharing, kungdati ay 30 porsiento ang naiiwan sa Bangsamoro at 70 porsiento ang napupunta sa National government, sa bagong kasunduan magiging kabaligtaran ito kungsaan, 70 ang mapupunta sa Bangsamoro government at 30 ang sa National Government, ayon kay Mamaluba.

Suportado naman ng pamunuan ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije ng University of Southern Mindanao ang nasabing kasunduan ng Bangsamoro framework Agreement at ng gobyerno ng Pilipinas sa kanyang naging mensahe kahapon, upang matuldukan na ang matagal ng kaguluhan sa Mindanao at makamit ang matagal ng inaasam-asam na kapayapaan sa Mindanao.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni Kabacan Mayor George Tan, mga Sangguniang bayan members, ilang mga brgy officials, mga nasa academe at iba’t-iba’t mga stakeholders sa bayan. (Rhoderick Beñez)

1 komento: