Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Unification sa mga kumukontra sa liderato ni USM Pres. Derije, ang naging panawagan ng Pangulo

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2013) ---Lubos ang naging kagalakan ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije sa naging resulta ng kanyang evaluation at sa kanyang re-appointment bilang Pangulo ng USM para sa term na apat na taon na magsisimula ngayong araw.


Ito ang sinasabi ng Pangulo sa isinagawang press conference sa kanyang tanggapan kaninang umaga sa administration building matapos ang isinagawang general monthly convocation sa USM gymnasium.

Aniya, simple lamang umano ang kanyang intensiyon na ipagpatuloy ang dapat na gagawin sa pamantasan.

Binanggit pa ng Pangulo na naging inspirasyon nito ang larawan ng founder ng Pamantasan na si Bai Hadja Matabay Plang na nakadikit sa kanyang opisina na patuloy na patatagin ang fourfold function ng USM.

Iginiit pa nito, na hindi siya gagawa ng mga bagay na hindi sumasang-ayon sa mission at vision ng USM.

Ang reappointment ni Dr. Derije ay pirmado ni Commission on Higher Education chairperson Patricia Licuanan, chairperson ng USM Board of regents batay sa Republic Act No. 8292 ng Section 3 o mas kilala sa tawag na “Higher Education Modernization Act of 1997 sa isinagawang special meeting noong January 4, 2013 sa Quezon city.

Samantala, nais din ng Pangulo na i-unify ang mga komukontra sa kanyang liderato sa pamamagitan ng pag-reach sa mga ito kagaya ng mga ginagawa nitong serya ng konsultasyon at diyalogo.

Sinabi pa nitong, ayaw niyang may mga division na nagaganap sa Pamantasan at dapat na ma unify ang mga kamanggagawa nito para sa pagsusulong ng mission at vision ng USM. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento