Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

45 biktima ng firecrackers related injuries sa Central Mindanao


(January 2, 2013) ---Umakyat na ngayon sa 45 ang mga firecrackers related injuries ang naitala ng Department of Health o DOH 12 as of January 2, 2013.

Sa isang kalatas na ipinadala sa DXVL ni Health and Education Promotion Officer Jenny Ventura, 15 ang mula sa Cotabato Regional Medical Center o CRMC kabilang na ditto ang 7 biktima ng stray bullet, 5 buhat sa Cotabato city at dalawa mula sa Pigcawayan, North Cotabato.


Sa lalawigan ng South Cotabato, 6 ang ngayon ay nasa South cotabato Provincial Hospital habang 3 mula sa Norala, 4 ang biktima naman ng paputok sa Polomolok, 1 sa Surallah, 1 sa Tampakan, 4 sa Tupi at isa sa Koronadal city; dalawa naman sa General Santos city Hospital at 1 sa Genral Santos Doctors Hospital, 2 sa St. Elizabeth Hospital, 4 sa Sultan Kudarat Provincial Hospital at Antipas Medical Specialist Hospotal.

Batay sa datus ng DOH 12, sinabi ni Ventura na karamihan sa mga biktima ng paputok ay ang  mga sumusunod:

PICCOLO – 21
KWITIS – 2
SPARKLER – 3
5 STAR – 1
PULBURA – 1
Gun Bullet-1
Unknown-9
GSW/Stray bullet-7

Bagama’t bumaba sa 17 porsiento ang bilang mga biktima ng paputok ngayong taon, hindi pa rin kuntento ang DOH sa mataas na kaso ng firecrackers related incidence sa buong bansa sa kabila na di pa rin nagkulang ang pamunuan sa paalala na wag ng gumamit ng mga malalakas na paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Magugunitang batay sa anunsyo ni Health Sec. Enrique Ona, 413 ang naitalang natamaan ng paputok mula noong Disyembre 21, 2012, mas maliit ito ng 85 kumpara sa 498 para sa kaparehong panahon noong Enero 1, 2012. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento