Mga residente ng Kabacan, inabangan ang huling Lunar Eclipse ngayong taon
(Kabacan/December 12) --- May dala umanong swerte sa buhay pag-ibig ang huling lunar eclipse ngayong taon, ito para kay Vanea Cuenca, estudyante ng USM, ang nasaksihan nitong lunar eclipse noong gabi ng Sabado.
Bagama’t sa kasalukuyan ay wala siyang kasintahan, positibo naman ang dalaga na bago matapos ang taon ay makakatagpo ito ng lalaking magmamahal sa kanya.
Samantala, ilan ding estudyante at maging faculty ng University of Southern Mindanao ang nag-abang sa nasabing lunar eclipse.
Marami din sa mga residente ng Kabacan kasama na ang mga star gazer ang nag-abang dito kungsaan pinagkakaguluhan din ang eclipse partikular na ng mga magsing-irog na nagsumpaan ng pag-ibig habang minamasdan ang kakaibang pangyayari sa papawirin.
Sa Matalam, North Cotabato at Kidapawan ay nasiksihan din daw ito ng mga residente.
Sinabi ni Pagasa observatory chief Mario Raymundo, maliwanag na nakita ang nasabing lunar eclipse dahil maaliwalas na ang panahon sa pagsisimula pa lang ng penumbral shadow ganap na 7:33 ng gabi.
Naitala naman ang umpisa ng partial eclipse sa oras na 8:45; ang greatest eclipse ay 10:31; natapos ang partiality appearance 12:17 ng madaling araw, habang ang katapusan ng buong penumbral shadow ay 1:30 ng madaling araw.
Bukod sa Pilipinas, malinaw din itong nakita sa Hawaii, Australia, iba pang bahagi ng Asya, Eastern Africa at Eastern Europe. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento