Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dagdag na tropa ng sundalo, inilagay sa isang Brgy sa Matalam, Cotabato

Rhoderick BeƱez & Mark Anthony Pispis

(Matalam, Cotabato/ September 24, 2014) ---Naglagay na ng dagdag na tropa ang mga sundalo at pulisya sa Brgy. Lower Malamote sa bayan ng Matalam, Cotabato matapos na sinalakay ng pinaniniwalaang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang detachment ng 42nd ng NCAA sa ilalim ng 38th IB na naka base sa Sitio Maligaya ng nasabing lugar.

Ito upang maiwasan ang harassment at maitaboy ang rebeldeng grupo sa lugar.

Dahil sa nasabing pagsalakay ay nagkaroon ng palitan ng putok sa magkabilang panig.

Wala namang may naiulat na nasaktan sa panig ng pamahalaan, ayon sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP.

Napag-alaman na ang mga grupo ng BIFF ay sailalim ng pamumuno nina Kaguia Karailan, Tong Piang Alias “bulldog”, Alias Balumol, Alias Bungos, Ali Gumaga at kumander Bigkong.

Hindi pa matukoy kung may nasakatan o nasawi sa panig ng BIFF sa nasabing engkwentro.

May ilan na ring mga pamilya na nagsilikas sa lugar dahil sa takot na maipit sa nasabing kaguluhan, naiulat din ang pagsilikas din ng ilang residente mula sa Lower Paatan ng Kabacan dahil sa takot na madamay sa nasabing sagupaan.

Sa hiwalay na panayam sinabi ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na walang palitan ng putok na nangyari kagabi sa kanyang aor.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento