Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P18 M Farm-to-Market Roads Development Program, ipapatupad ng DA 12 sa North Cotabato 1st District


(September 8, 2012/September 8, 2012) ---Inihayag ni Engr. Jerry Pieldad na benipisyaryo ng abot sa P18 Milyon Farm-to-Market Roads Development Program ang distrito uno ng North Cotabato.

Kabilang rito ang Concreting of Barangay Agriculture FMR, Barangay Poblacion 7 to Upper Glad I FMR, at Barangay Villarica FMR, Midsayap; at Barangay Batulawan FMR, Pikit, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Nabatid mula sa opisyal na sumailalim na sa pre- bidding ang mga natukoy na proyekto.

Sa pagpupulong ng mga recipient LGUs and district offices na ginanap sa Koronadal City noong September 3, nasa procurement stage na ang nabanggit na FMR projects sa first district of Cotabato.

Ang FMR development program sa district one ay pangungunahang iimplementa ng Department of Agriculture Region XII na pinamumunuan ni Regional Executive Director Amalia Jayag- Datukan.(Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento