(Kidapawan City/September 8, 2012) ---Kinondina ni Agham Partylist Representative Angelo Palmones ang
sunod-sunod na kaso ng pamamaslang sa North Cotabao.
Ayon
kay Palmones na nakababahala na ang mga pagpatay sa mga kilalang personalidad
gayundin sa hanay ng mga ordinaryong tao sa Kidapawan City at maging sa ibang
bahagi ng lalawigan.
Unang
kinundina ni Palmones ang pagpaslang kay Eddie Jesus Apostol, na dating
konsehal sa bayan ng Magpet.
Ilang
araw ding hinanap ng kanyang kaanak si Apostol at noong Sabado lang natagpuan
ang kanyang bangkay sa Paidu Pulangi river.
Nadismaya
din si Palmones sa pagkamatay ng dalawang mga myembro ng highway patrol group
ng Makilala PNP noong August 31.
Ikinalungkot
din ng kongresista ang pagpaslang kay Marife Geronga-Pame ang Investment and
Tourism Office head ng Kidapawan City.
TINIYAK
naman ng kongresista na ilalapit
niya sa bagong talagang Department of Interior and Local Government Secretary
Mar Roxas ang mga insidente upang matutukan at mabigyan ng hustisya ang
kamatayan ng mga biktima.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento