Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 mga suspected drug courier na nabaril patay sa highway ng Kabacan, kinilala na


(Kabacan, North Cotabato/September 14, 2012) ---Tukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang mga suspected drug courier na nabaril patay sa highway ng Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang patay on the spot na si Bernabe Alvarez Amigo, 33-anyos, may asawa at dating kawani ng DOLE Banana Plantation na nakabase sa Bukidnon at residente ng Dangkagan, Bukidnon.


Ayon sa report si Amigo ay may salukbit na .38 na kalibre ng baril at nanlaban sa mga elemento ng Kabacan PNP dahilan kung bakit inunahan na siyang barilin ni P/Insp. Tirso Pascual.

Agad na bumulagta ang suspek sa Highway matapos na tamaan sa ulo.

Nanlaban din ang driver ng riding in tandem kung kaya’t binaril din ang suspek pero di ito na puruhan at naisugod pa sa USM hospital subalit ilang sandali lamang ang nakalipas ay binawian na rin ito ng buhay.

Habang kinilala naman ang driver ng nasabing riding in tandem na si Eugene Ponce nasa tamang edad at residente ng Damulog, Bukidnon.

Ang mga namatay ay kinilala ng asawa ni Amigo sa Villa Jusa Funeral Homes sa brgy. Osias, Kabacan, cotabato kaninang umaga.

Ang tatlo ay na titiktikan ng mga otoridad na magdedeliver sana ng shabu sa KAbacan buhat sa Pagalungan, Maguindanao kahapon ng hapon ng isinagawa ng Kabacan PNP ang dragnet operation.

Nanguna sa nasabing operasyon si Supt. Leo Ajero, ang bagong hepe ng Kabacan PNP sa ilalim ng supirbisyon ni P/SSupt. Roque Alcantara, ang bagong talagang hepe ng Cotabato Police Provincial Office. (Rhoderick Beñez)

DXVL (Periodiko Express)                                                                                      September 12, 2012
Service area ng cotelco, posibleng makakaranas ng 9 na oras na power interruption
May isasagawang clearing at tensioning sa 69KV at 13.2KV transmission line sa Matalam at Kabacan erya simula alas 8 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon simula bukas hanggang sa Setyembre a-kinse, 2012.
Ito batay sa Power interruption Advisory na inilabas ngayong hapon ng Cotabato electric cooperative o Cotelco.
Kabilang sa mga maapektuhang lugar ang ay rightside papuntang Kabacan: Manubuan, Matalam hanggang sa bahagi ng Katidtuan, Dagupan, Sanggadong, Natutungan, Sitio Kitabo, Aringay, Ugay ricemill, Kabacan Water District, Murao RM, USMARC, NFA at Urpiano RM.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento