Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga nagpapatala sa Kabacan Comelec; dagsaan na


(Kabacan, North Cotabato/September 14, 2012) ---Dagsaan na ngayon ang mga nagpapatala sa Kabacan commission on election Office matapos na nagpalabas ng schedule of barangay registration ang nasabing tanggapan.

Sinabi ni Acting Election Officer Gideon Falcis na ang nasabing paghahanda nila ay bahagi na ng nalalapit na 2013 midterm elections.

Kabilang sa mga requirements na dapat dalhin ay angmga sumusunod na valid id’s kagaya ng: Employee’s Id, Postal ID, Student Id, Senior Citizen Id, Driver’s License, NBI/PNP Clearance, Passport, SSS/GSIS, IBP at Library Id.

Samantala narito naman ang schedule ng bawat barangay: September 13, bukas ang brgyBuluan habang ngayong araw ang brgy. Bannawag, September 14 ang brgy. Cuyapon.

Brgy. Dagupan naman sa September 15, Katidtuan sa September 17, Brgy. Kayaga sa September 18-19, habang sa September 20 naman ang Kilagasan at September 21 ang brgy. Magatos.

September 22 naman ang brgy Malamote, September 24 ang brgy, Malanduage, September 25 ang Nangaan, September 26 ang brgy. Osias. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento