Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 suspected drug courier; patay matapos manlaban sa isinagawang dragnet operation ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/September 12, 2012) ---Bulagta at naliligo sa sariling dugo ang isang tulak droga habang binawian na rin ng buhay sa USM hospital ang isa pang kasama nitong riding in tandem makaraang mabaril sa highway ng Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 5:00 kahapon ng hapon.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad na pinamumunuan ni Supt. Leo Ajero, ang bagong hepe ng Kabacan PNP nabatid mula sa kanilang pinagkakatiwalaang source na may dalawang drug couriers buhat sa Pagalungan, Maguindanao ang dedespatsa sana ng shabu sa Kabacan.
Kaya sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 kasama ng mga elemento ng Kabacan PNP kanilang ikinasa ang dragnet operation kontra sa mga drug couriers at tinungo ang lugar.

Nang matunugan ng mga suspek na paparating ang mga pulis, dalawang mga lalaki na riding in tandem sakay sa kulay itim na single Suzuki Raider 150, walang plate number ang papatakas.

Nang akmang, aarestuhin na sila ni P/Insp. Tirso Pascual, bumunot umano ng baril ang isa sa angkas ng riding in tandem na di pa nakilala sa report ng kanyang kalibre .38 na baril dahilan kung bakit inunahan ng siyang barilin ni Pascual.

Nanlaban din ang driver ng riding in tandem subalit nabaril din siya at nakuha mula sa kanya ang isang granada na maswerte namang di sumabog. Naisugod pa sa USM Hospital ang isang suspek subalit di kalaunan ay binawian na rin siya ng buhay.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Soco sa nasabing insedente, narekober mula sa crime scene ang anim na pirasao ng heat sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu mula sa namatay on the spot na kasama ng riding in tandem.

Bukod dito, narekober din ang P140.00 na pera, isang unit ng Nokia 1208 cellphone at ang isang official receipt ng nasabing motor na nakapangalan kay Chris Paul John Tomo na may address na Valencia City. Sa ngayon wala pang pagkakakilanlan ang dalawang mga lalaki dahil walang dokumentong nagpapatunay ng kanilang identity.

Sa ngayon naka-impound sa Kabacan PNP ang narekober na sasakyan at isailalim sa masusing imbestigasyon.

Maliban dito, narekober naman ng SOCO team ang anim na basyo ng 9mm na pistol.

Sinabi naman sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay S/Supt. Roque Alcantara na mas lalo pa nitong paiigtingin ang kanilang kampanya kontra talamak na bentahan ng illegal na droga sa buong probinsiya ng North Cotabato, partikular na sa Kabacan, ito makaraang nakipag-pulong na siya kay Kabacan Mayor George Tan, para ma-i-address ang nasabing ugat ng krimen sa bayan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento