Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bantay kalamidad, sagip buhay; isinagawa sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/September 15, 2012) ---Abot sa humugit kumulang sa dalawang daang mga barangay personnel buhat sa 24 na mga bgry. Sa bayan ng Kabacan ang sumailalim sa Disaster Preparedness training na pormal ng nagtapos, kahapon ng hapon.

Ayon kay Kabacan Municipal Disaster risk Reduction Officer Dr. Cedric Mantawil, ang nasabing training ay pinamagatang “Bantay Kalamidad, Sagip Buhay”, isang programa ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na pinangangasiwaan ng Provincial DRRMC bilang tugon sa R.A. 10121 na paghahanda sa oras ng sakuna.

Ang dalawang araw na training ay itinaguyod ng PDRRMC at ng Kabacan MDRRC para sanayin ang ilangmga taga-brgy sa paunang lunas habang wala pa ang mga rescue team sa oras ng trahedya o sakuna.

Kaugnay nito, sinabi ni Mantawil na sumailalim din angmga ito sa Orientation kung anu ang nilalaman ng republic Act 10121 bukod pa sa sinanay din ang mga ito sa Bandaging, rope work, Car rescue at Water rescue. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento