Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, 7 sugatan matapos maaksidente ang ang isang bus sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/September 14, 2012) ---Patay ang tindera habang pito ang sugatan matapos araruhin ng isang Weena Bus ang mga stall at waiting chair sa Public Terminal sa Matalam, Nort Cotabato, pasado ala una ng hapon, kahapon.

Kinilala ang namatay na si Marcelina Seloy, tindera sa terminal at residente ng Barangay Dangkagan, sa Bukidnon.

Ayon sa report, mula Davao City ang bus at nang makarating sa terminal ng bayan, nawalan ng kontrol ang driver kaya’t dumiretso ito sa mga stall.

Kinilala ang mga sugatang bystanders na sina Perla Nugbo, 66 ng Poblacion, M’lang; Vivien Lopez, 43 ng Barangay Binoligan, Kidapawan City; Consesa Amelia, 61; at isang Ruth Alkalde , 32 na taga Kibia, Matalam.

Sugatan din ang mga pasahero ng bus na kinilalang sina Josephine Jimenez, 46 ng Poblacion, Kabacan; Ashley Louie Jerodias, 5 month old at maging ang driver na si Bivieno Folreza, 58 –anyos.

Samantala, inako naman ng pamunuan ng Weena Bus ang gastos sa namatay at mga sugatan sa insidente.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento