Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Resulta ng Kaliline Festival 2012, inilabas; unilympics 2012, magtatapos na ngayong hapon


(USM, Kabacan, North Cotabato/September 15, 2012) ---Nakuha ng College of Business Development and economic Management o CBDEM ang kampeonato sa katatapos na Quiz bowl 2012 na ginanap sa CAS lobby, ng University of Southern Mindanao o USM, kahapon.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Kaliline Festival 2012 at nagpapatuloy na Unilympics sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao.

Ang mga kalahok ng kolehiyo ay sa katauhan nina: Melvin Jay Mericuelo, Phoebe Dianne Albon at Clarisse Evangelista.

Nakuha naman ng Institute of Middle East and Asian Studies ang 1st runner up sa nasabing Quiz bowl sa katauhan nina: Jomar Jose, Judy Ann Lubiano at Melissa Vargas habang 2nd runner up naman ditto ang College of Engineering and computing na kinakatawan nina: Emelou Maning, Charles John Relampagos at Carlo Subrio.

Ang mga katanungan sa nasabing patimpalak ay may kinalaman sa Philippine Government and History, culture and Geography.

Samantala, panalo naman bilang 1st runner up sa Dagli-ang Talumpati ang pambato ng IMEAS, 2nd runner up ang CED at 3rd Runner up ang CVM.

Extemporaneous Speech: 1st runner up ditto ang CBDEM, 2nd ang CED at 3rd ang CVM.

Pagkukwento: 1st runner up ang: CED, 2nd ang CBDEM habang 3rd ang CENCOM.

Story telling: 1st runner up ang CBDEM, 2nd ang CAS at 3rd ang CED.

Ang nasabing resulta ngayong hapon ay batay sa opisyal na pahayag ni Kaliline Festival 2012 event Coordinator Jessa Buisan sa panayam ng DXVL-News.

Kaugnay nito, magpapatuloy naman bukas ang championship games sa lahat ng sports event ng unilympics 2012 na may temang: “Socio-Cultural and Sports Discipline: Key to a New World Order of Peace and Development” na pinangungunahan ng Instuof Sports Physical education and recreation na pinamumunuan ni ISPEAR dean Prof. Flora Mae Garcia. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento