(USM,
Kabacan, North Cotabato/September 10, 2012) ---Nakatakdang lalagdaan ang
Memorandum of Agreement kasabay ng ilulunsad na S&T Program for Responsible
Mining sa Mindanao na gaganapin ngayong Setyembre a-13, 2012 sa Butuan City.
Ayon
kay USM Co-project leader Estrella dela Cruz, Department chair ng Chemistry
department, layon ng nasabing programa na makabuo ng siyentipikong pag-aaral sa
tulong ng alternatibong teknolohiya para masuportahan ang kapaki-pakinabang at
angkop na pagmimina sa kapaligiran ng di nasisira ang kalikasan sa bahaging ito
ng Mindanao.
Dagdag
pa nito, naging mainit na usapin ang pagmimina sa bansa, dahilan kung bakit isa
ito sa mga tugon na ginagawa ng Committee on Science, Technology and
Engineering sa ilalim ng mataas na kapulungan ng senado para makabuo ng
responsableng pagmimina sa bansa sa tulong ng R&D Innovation Clusters.
Kaugnay
nito, nanguna sa nasabing responsible mining clusters ang apat na mga State
Universities and Colleges sa Mindanao: Ang Caraga State University (CSU) sa Caraga
Region, kasama ang University of Southern Mindanao (USM) dito sa Kabacan,
Cotabato; Mindanao University of Science and Technology (MUST) sa Cagayan de
Oro City at Mindanao State University-Iligan Institute of Science and
Technology (MSU-IIT) sa Iligan City ang bumuo ng isang pananaliksik na may
pamagat na, “S&T Program for Responsible Mining in Mindanao”.
Dadalo
sa nasabing program si Commission on Science & Technology and Engineering
chair Senator Edgardo Angara, DOST Undersecretary for Research and Development
Dr. Amelia Guevara, ilang mga lokal na opisyal ng Butuan City, heads ng
nasbanggit na paaralan at iba pa. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento