(Alamada,
North Cotabato/September 13, 2012) ---Arestado ang dalawang kalalakihan matapos
ang isinagawang buy-bust operation ng mga element ng PDEA-XII at Alamada PNP sa
pamilihang bayan ng Alamada kahapon.
Nakilala
ang mga suspek na sina Bernard Buenavista, 30 years old, balot vendor at
Charlie Reyno, 18, years old, estudyante at pawang mga residente ng naturang
lugar. Nahuli ang dalawa sa magkasunod na operasyon ng mga otoridad sa Public
Market ng Alamada na nasa Purok 7, Brgy. Kitacubong.
Nakuha mula
sa pag-iingat ng suspek na si Reyno ang dalawang empty plastic heat-sealed
sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu at P500 peso bill na marked money
dakong alas 5:40 ng hapon. Samantala, narekober naman mula sa ikalawang supek
na si Buenavista ang isang piraso ng plastic heat-sealed sachet na hinihinalang
naglalaman din ng shabu dakong alas-6:15 kagabi.
Kakaharapin
ng dalawa ang kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala bilang Dangerous Drugs
Act of 2002.
Una rito,
dalawa katao rin na pinaniniwalaang mga drug couriers ang napatay ng mga
otoridad kamakalawa sa highway ng Kabacan, Cotabato matapos na manlaban ang mga
ito.
Nakilala ang mga itong sina Bernabe Alvarez
Amigo, 33-anyos, may asawa at dating kawani ng DOLE Banana Plantation na
nakabase sa Bukidnon at residente ng Dangkagan, Bukidnon. Habang kinilala naman
ang driver na si Eugene Ponce nasa tamang edad at residente ng Damulog,
Bukidnon. (Allan Guleng Dalo)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento