(Aleosan, North Cotabato/September 14, 2012)
----Opisyal nang nagtapos ang animnapung binipisyaryo ng Pantawid Pamilyang
Pilipino Program o 4Ps na dumalo sa dalawang araw na CDED o Community Driven
Enterprise Development Training.
Ginanap ang nabanggit na pagsasanay sa
Barangay Tomado, Aleosan.
Ayon kay DSWD XII Social Welfare Action Team
Leader Abas Pikit, mapalad ang unang distrito ng North Cotabato dahil naglaan
ng pondo ang gobyerno upang ipatupad ang Sustainable Livelihood Programs sa
buong distrito.
Dagdag ng opisyal, dalawang lider lamang
umano sa buong Rehiyon Dose ang aktibong sumusuporta sa pagsusulong ng
Sustainable Livelihood Programs na kinabibilangan nina North Cotabato 1st
District Cong. Jesus Sacdalan at South Cotabato Gov. Arthur Pinggoy.
Tatanggap ang bawat 4Ps association ng
P300,000 bilang tulong pinansiyal sa kanilang natukoy na sisimulang negosyo.
Dumalo naman sa closing ceremony ng CDED
training si Joel Sacdalan na siyang
kinatawan ni Cong. Sacdalan.
Hinikayat ni Joel Sacalan ang mga benipisyaryo
na magtulungan at sikaping palaguin ang nabanggit na pondo.(Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento