Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Aksidente sa daan sa Kidapawan City, nakakabahala na; 6 katao sugatan sa magkahiwalay na road accidents


(Kidapawan City/ September 12, 2012) ---Pinaalalahanan ngayon ng Kidapawan Traffic Division ang mga motorist sa lungsod na mag-ingat sa pagbiyahe sa daan, ito makaraang abot sa anim katao ang sugatan sa magkahiwalay na vehicular accident sa Kidapawan City, sa loob lamang ng dalawang araw.
        
Unang naitala ang aksidente sa barangay Sudapin, Kidapawan City, bandang alas syete ng gabi, kamakalawa kungsaan sangkot dito ang isang motoposh na motor na pag-aari ni Neil Bryan Maligang, 25-anyos ng Bautista Street ng lungsod at isang Honda Bravo na motor na minamaneho naman ni Gerald Garan, 20-anyos.

        
Batay sa report, patungo sa magkaibang direksyon ang dalawang mga motorsiklo nang mawalan ng kontrol ang mga driver nito na nagresulta sa salpukan ng dalawa.
        
Dahil sa pangyayari, sugatan ang angkas ng Honda Bravo na si Mark Joseph Linson.
        
Samantala, biktima naman ng hit and run ang 33-anyos na si Delfin John Monsil, na taga-OPC sa Cotabato City. Nangyari ang insidente sa may Quezon boulevard ng lungsod, bandang alas tres ng madaling araw kamakalawa ng hapon.
        
Papatawid na sana ng highway si Monsil nang mahagip ng isang motorsiklo na minamaneho ng ‘di nakilala’ng driver. Ilang oras matapos ang insidente, isa na namang hit and run ang naitala sa lugar.
        
Biktima si Danny Pejo, 41-anyos na taga Sinsuat Street, Kidapawan City.  Kinilala ang suspek na si Frederick Avelino, na residente ng Barangay Lanao, ng nabanggit na lugar.
        
Agad isinugod sa bahay pagamutan ang mga biktima at sa ngayon ay patuloy pa ring nagpapagali’ng sa mga sugat at galos na kanila’ng natamo.







0 comments:

Mag-post ng isang Komento