Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pinaniniwalaang malaking sindikato ng illegal na droga, huli sa buybust raid sa Libungan


(Kabacan, North Cotabato/August 27, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 21 anyos na lalaki makaraang mahuli sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa mismong pwesto nito sa Anthony’s RTW na nasa National Higway, Poblacion, sa bayan ng Libungan nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang nahuli na si Mark Ian Songco Manuel, may asawa, negosyante at residente ng Sausa, Cotabato city.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang malaki at maliit na plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu na tumitimbang ng abot sa 4.7 gramo.

Bukod dito na rekober din mula sa suspek ang 2 pirasao ng P500.00 piso bill bilang marked money at ang 17 piraso ng P500 piso bill bilang salaping huwad.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek ang pinagsanib na pwersa ng Provincial Intel Branch, Kabacan PNP na pinamumunuan ni Supt. Raul Supiter, Regional Public Safety Battalion na pinangungunahan ni P/Inps. Zean Paul Cubil, Libungan MPS PCI Richard Habawel, Task force Chrislam Head PInsp. Tirso Pascual at sa pakikipag-tulungan ng PDEA 12.

Sa ngayon inihahanda na ng mga pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento