(Midsayap,
North Cotabato/ October 10, 2012) ---Apat na kategorya ang paglalabanan ng mga
kupunang sasali sa 7th Cotabato annual dance festival sa darating na
Nobyembre 17 ng taong kasalukuyan.
Kabilang dito ang Dancesports, Popdance,
Cheerdance at Rural Folkdance kung saan inaasahan ang paglahok ng mga kabataang
magmumula pa sa ibat- ibang bahagi ng lalawigan, ito ayon sa report ni PPALMA
News Correspondent Roderick Bautista.
Ngayong taon, isinali sa festival ang
folkdance competition na lalahukan ng mga dance groups mula sa mga academic
institutions sa North Cotabato.
Ayon kay Dance Festival Executive Director
John Karlo Ballentes, nais ng organizing committee na bigyan na pahalagahan ang
katutubong sayaw at hindi lamang nakatuon ang atensyon ng publiko sa mga western forms of dances.
Dagdag ni Ballentes, isa ring opurtunidad
ang dance festival upang maipakita ng mga kabataan ang kanilang mga talent sa
larangan ng performing arts.
Nasa ika- pitong taon na ngayong 2012 ang
nabanggit na kompetisyon.
Nabatid ang patimpalak na ito ay bahagi ng
ika-76 na taong anibersaryo ng bayan ng Midsayap, North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento