Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Guro, nawalan ng gamit matapos ninakawan ng kasamabahay sa Kidapawan city; lalaki sugatan naman sa vehicular accident


(Kidapawan City/ October 12, 2012) ---Nawalan ng ilang mga gamit ang isang 31-anyos na guro na di kinilala sa report matapos nakawan umano ng sariling nitong kasambahay, sa may Kanapia Subdivision sa Kidapawan City, kamakalwa.
          
Ayon sa report ng pulisya, nagpaalam lamang ang kasambahay na si ‘Inday’, di niya tunay na panangalan na uuwi sa kanilang tahanan sa isang barangay sa lungsod noon pang oct.3.
          
Nangako umano si Inday na babalik sa October 9 ngunit hanggang ngayon, di pa rin nagpapakita ang katulong.

          
Dahil sa pangyayari, kinutuban na ang guro na tinangay ni Inday ang ilang mga nawawalang gamit sa kanilang tahanan.
          
Kabilang dito ang ilang Tupperware items, relo, damit, cellphone na kung susumahin ay abot sa walong libong piso ang halaga at cash na 2, 500 pesos.
          
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng guro ang pagsampa ng pormal na reklamo kontra sa househelper nito. 

Samantala sa ibang balita… Tumilapon mula sa kanyang motorsiklo ang isang lalaki nang aksidenteng sumalpok ito sa isang sasakyan sa may corner Osmena Drive at Quezon Boulevard sa Kidapawan City, bandang alas alas nwebe kwarenta kagabi.
       
Kinilala ni SPO3 Omar Abubakar ang motorista na si Marjune Ferrarin, 20, taga Barangay Kalaisan sa lungsod.
        
Ayon sa report, habang minamaneho ni Ferrarin ang kanyang Honda XRM 110, may plakang IT 9691 aksidente itong sumalpok sa isang Toyota HiAce Van na may plakang MVW 244 na minamaneho naman ni Junedard Buay, 25, residente ng Poblacion sa lungsod.
        
Dahil sa pangyayari, nagtamo ng sugat at galos si Ferrarin sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan at agad namang isinugod sa bahay pagamutan.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento