(Kabacan, North Cotabato/ October 9, 2012)
---Muling nag-babala ngayon ang Kabacan PNP sa mga may ari ng motorsiklo na
maging responsable at vigilante dahil sa muli na namang naglipanang mga
magnanakaw sa bayan.
Nito lamang Sabado, alas 9:00 ng umaga pwersahang
kinuha ng tatlong mga suspek ang motorsiklo na pag-aari ni Renante Layas,
25-anyos, driver at residente ng brgy. Bangilan, Kabacan.
Natangay mula sa biktima ang kulay pula
nitong Honda XRM na may plate number MX 4608.
Batay sa report, nakapagtala na ng mahigit
kumulang sa limang kaso ng motorcycle theft ang Kabacan PNP sa pagpasok ng
kasalukuyang buwan sa kabila ng kanilang kampanya kontra carnapping at illegal
na gawain ng mga masasamang loob na nag-ooperate sa bayan ng Kabacan.
Samantala sa ibang mga balita, isang 1st
year College student ng St. Lukes Institute na nakilalang si Ronald Colcol,
20-anyos, binata at pansamantalang nanunuluyan sa Corner ng Rizal Avenue at
Tomas Claudio St., Poblacion ng bayang ito ang ninakawan ng mga gamit.
Ito makaraang pinasok ang kwarto ng kanyang
boarding house, na pag-aari ng kanyang tiyuhin na si Jaime Negulda ala 1:30 ng
madaling araw nitong lingo.
Sinira ng kawatan ang bintana para gawing
entry point.
Nilimas ng magnanakaw ang mga gamit ng
biktima kagaya ng: Laptop Acer, Canon Printer, 14’ na TV, black wrist, bag na
naglalaman ng iba’t-ibang mga gamit at id ng biktima kasama na ang wallet nito,
portable stove, acer tape, Iphone apply, 3 maong pants, 2 short pants, TV
antenna at marami pang iba.
Naganap ang insedente habang mahimbing na
natutulog ang biktima. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento