(Makilala,
North Cotabato/October 11, 2012) ---Higit isang daang katao ang isinugod sa ilang mga ospital
sa Kidapawan City at sa bayan ng Makilala, North Cotabato matapos malason sa
kinaing patel, bandang alas dose ng tanghali, kahapon.
Ang patel ay ibinigay sa mga kalahok ng
fun run kaugnay sa selebrasyon ng ikalawang Sinabadan Festival at ika limampu’t
walong pagdiriwang ng anibersaryo sa bayan ng Makilala.
Nagsimula ang fun run bandang alas
singko ng umaga kanina at ipinamahagi ang mga patel, bandang alas onse y medya.
Ayon kay Carmelita Aclon, isa sa mga
nalason, tila panis na raw ang patel, ngunit, dahil sa gutom, kinain pa rin ito
ng mga kalahok.
Isa si Aclon sa 25 katao na isinugod sa
Kidapawan Medical Specialist Center.
Labing dalawa naman ang sa Kidapawan
Doctor’s Hospital; higit apatnapu sa Makilala Medical Specialist Center at lima
sa Midway hospital.
Nakaramdam ng pananakit ng tiyan at ulo,
pagsusuka at pagtatae ang mga biktima.
Kaugnay nito, inako na ng Makilala LGU
ang gastos sa pagpapagamot sa mga nabiktima ng food poisoning.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento