(Kabacan,
North Cotabato/October 11, 2012) ---Pinabulaanan ngayon ng pamunuan ng Barangay
Nanga-an ang lumabas na ulat na diumano’y mayroong talamak na operasyon ng
bansuhan sa lugar.
Ayon
sa emisaryong ipinadala ni Nanga-an Brgy. Captain Datukali Lumambas, hindi
umano totoo ang alegasyong ito. Paliwanag nito ang mga pinutol na punongkahoy
na nakikita sa lugar ay dumadaan lamang sa kanilang barangay sa pamamagitan ng
Rio Grande de Mindanao.
Ang
mga ito, ayon pa sa emisaryo, galing umano ang ito sa itaas na bahagi ng Rio
Grande de Mindanao partikyular sa barangay Selat, na sakop naman ng bayan ng
Pres. Roxas.
Dagdag
pa nito, nagiging docking area lamang ang Barangay Nanga-an at mula doon ay
sinusundo na ng small farm tractor o kuliglig ang mga pinutol na kahoy at saka
dinadala ang mga ito papunta sa bayan ng Kabacan.
Aminado
naman ang pamunuan ng Barangay Nanga-an na wala silang kapangyarihan para
pigilan ang pagdaan ng naturang mga kahoy sa kanilang lugar.
Una
rito, lumabas ang ulat na nakatakdang imbestigahan ng Environment and Natural
Resources Office ng Midsayap ang operasyon ng lumberyard sa Nanga-an matapos na
ilang residente mismo ng lugar ang nagbigay impormasyon tungkol dito.
Ayon
kay CENRO Midsayap OIC Abulao Batugan, matagal na umanong may ipinatigil ang
operasyon ng bansuhan sa lugar.
Kung
matatandaan nagpalabas ng kautusan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa
pamamagitan ng Executive Order number 23. (Allan Guleng Dalo)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento