Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nilalaman ng draft peace agreement, ikokonsulta sa mamamayan bago lagdaan


(Midsayap, North Cotabato/ October 10, 2012) ---Positibo si North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na magtatagumpay ang pag-uusap ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Una nang inihayag ni Cong. Sacdalan na magkakaroon ng puspusang konsultasyon sa mga komunidad kaugnay sa nilalaman ng framework agreement.

Nabatid na isa sa pinag-uusapan sa framework agreement ay ang inklusyon ng ilang mga barangay at bayan sa itatatag na Bangsamoro Political Entity.

Isa sa mga nakasaad sa Section 5 ng framework agreement na ang core territory ng Bangsamoro ay binubuo ng ilan sa mga barangay sa mga bayan ng Kabacan, Carmen, Aleosan, Pigcawayan, Pikit at Midsayap na bumoto na mapabilang sa ARMM noong 2001 plebiscite.

Binigyang-diin naman ni opisyal na bago pa man magpirmahan ay idadaan muna ang proseso sa Kongreso at matapos nito ay magsasagawa ng plibisito.

Dapat umanong konsultahin ang mamamayan upang hindi na maulit pa ang nangyari dati sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain o MOA- AD na ideneklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Hinikayat naman ng opisyal ang iba’t- ibang sektor na subaybayan ang nagaganap na usaping kapayapaan.

Si Cong. Sacdalan ay isa sa mga itinalagang observers ng GPH- MILF Peace Talks. (Roderick Bautista)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento