(Midsayap, North Cotabato/ October 9, 2012)
---Sa patuloy na nararamdamang krisis ng kuryente sa unang distrito ng North
Cotabato, may mga mungkahing solusyon ang isa sa mga lider ng lalawigan.
Inihayag ni North Cotabato 1st
District Cong. Jesus Sacdalan na isa sa mga nakikitang solusyon sa power crisis
sa distrito ay ang pagkakaroon ng sariling hydropower electric source.
Maari umanong pakinabangan ang mga irigasyon
sa PPALMA bilang alternative source of electric energy, ito ayon sa report ni
PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.
Sinabi ni Cong. Sacdalan na kung may
magandang disenyo at plano upang gamitin ang water current mula sa pangunahing
dam sa distrito ay magkakaroon ng sariling pagkukunan ng kuryente ang PPALMA.
Ngunit binigyang- diin ng opisyal na hindi
nila ito magagawa sa isang gabi lamang.
Humingi rin ng pang-unawa at panahon si
Cong. Sacdalan na tutukan ang problema sa krisis sa kuryente.
Sa kasalukuyan, humigit isa’t- kalahating
oras ang nararanasang brown-out sa unang distrito ng North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento