Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Guro ng USM, panibagong biktima ng nakawan

(Kabacan, North Cotabato/ July 1, 2013) ---Tinangay ng mga di pa nakilalang mga magnanakaw ang bag ng isang guro sa College of Agriculture-USM na naglalaman ng higit sa P5,000 cash, nitong Sabado ng tanghali.

Batay sa report, kinilala ang biktima na si Dr. Raquel Evangelista, Plant Pathology teacher ng College of Agriculture, residente ng Roxas St, Poblacion, Kabacan.


Nangyari umano ang insedente sa AVR ng CA-Annex.

Iniwan umano ng biktima ang bag nito na naglalaman ng cash, mga mahahalagang dokumento at id’s kasama na ang mga susi ng kolehiyo ng sungkitin umano ng mga magnanakaw ang bag kulang-kulang sampung metro ang layo sa nasabing gusali.

Matapos magpa-take ng mock board exam sa mga estudyanteng kukuha ng Agricultural Board Examination ang biktima at pagbalik sa nasabing opisina natuklasan nitong wala na ang kanyang bag.

Nakita na lamang ang ginamit na panungkit na nasa gilid na ng nasabing gusali.

Apat na mga kalalakihang nasa tamang edad may mga bitbit na bolo ang nakitang kumuha ng nasabing gamit papalabas sa likurang bahagi ng College of Agriculture, dumaan sa Lanzones Plantation at lumusot papuntang Kabacan River. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento