(Kabacan, North Cotabato/ July 6, 2013) ---Muli
na namang niyanig ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan ngayong gabi
lamang.
Sa live interview ng DXVL News kay PInsp. Tirso
Pascual, inihagis ng mga di pa nakilalang mga salarin ang granada sa harap ng Regional Trial Court RTC Branch 22 na nasa Municipal compound ng Kabacan bago mag-alas 8:00 ngayong
gabi.
Bagama’t walang nasawi o nasaktan sa
nasabing pagsabog, nag-iwan naman ito ng pinsala sa nasabing tanggapan kungsaan nasira ang mga bintana ng nasabing gusali.
Si Judge Laureano Alzate Alzate ang hukom sa nasabing Mababang Hukuman.
Bukod pa sa naging tensyunadao ang lugar.
Ang nangyaring pagsabog ngayong gabi lamang ay nagdulot ng pagkatakot at pangamba sa mga residente ng Poblacion.

Agad namang kinordon ng mga elemento ng
Kabacan PNP at ng EOD team ang paligid para siyasatin ang nasabing pangyayari.
Ang pinangyarihan ng pagsabog ay ilang metro
lamang ang layo mula sa istasyon ng Kabacan PNP na nasa loob ng municipal
compound.
Di pa mabatid ng mga otoridad kung anu ang
motibo ng nasabing pagpapasabog at kung sino ang responsable sa nasabing
krimen.
Sinabi ni Insp. Pascual na sinisyasat nila ngayon sa kanilang CCTV kung nakita sa video ang salarin na naghagis ng granada sa compound ng munisipyo.
Nangyari ang pag-granada sa loob ng bisinidad ng munisipyo, anim na araw matapos na pormal na umupo ang bagong alkalde ng bayan na si Mayor Herlo "Jojo" Guzman, Jr., habang tatlong araw makalipas nang pormal na nagbukas ang regular na session ng mga bagong halal na Sangguniang bayan members.

Matatandaan na noong nakaraang buwan,
pinasabogan din ang harap ng Laira Marketing na nasa National Highway kungsaan
itinanim ang IED na gawa sa 81mm sa drainage canal papuntang Sinamar 2.
Wala pa ring grupong umaako sa nasabing
pangyayari.
Sa ngayon walang ring maitutumbok na suspek
ang mga kapulisan sa mga nangyayaring insedente sa bayan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento