(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Kahit
na ipinagbawal na ng Commission on Elections o COMELEC, marami pa ring mga
tricycle driver ang naglalagay ng mga campaign ads sa kanilang sasakyan.
Sa Kabacan, ilan sa mga namataan ng Botohan
2013 Newsteam ng DXVL ay nakalagay sa likurang bahagi ng driver’s seat ang
larawan ng mga kandidato habang ang iba ay nasa harapan ng tricycle.
Ayon kay Election Officer Josephine Macapas,
wala naman umano siya’ng natatanggap na reklamo hinggil dito.
Sinabi ng opisyal na bago pa lamang siya sa
Kabacan, kaya di pa niya nalilibot ang mga lugar at pinafamiliarize pa nito ang
mga dokumento.
Una ng sinabi ni COMELEC North Cotabato
Acting Provincial Election Supervisor Atty. Kendatu Lagialam na hindi
pinapayagan ang mga pampublikong sasakyan na maglagay ng election
paraphernalia.
Bawal raw ito alinsunod sa COMELEC
Resolution No. 9615 o ang Fair Elections Act.
Kaugnay nito, maaaring sampahan ng reklamo
at kaukulang kaso ang mga indibidwal na patuloy na susuway sa naturang
polisiya. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento