(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013)
---Pinaplantsa na ngayon ng Cotabato Police Provincial Office ang mga inilatag
nilang paghahanda para sa nalalapit na halalan.
Ito ang ginawang pagtitiyak ni Provincial
Director S/Supt. Danilo Peralta sa interbyu ng DXVL Radyo ng Bayan
kungsaan magsasagawa sila ng Provincial Coordinating Conference sa bukas sa
Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.
Sinabi ng opisyal na nagpapatuloy ang
kanilang koordinasyon sa Commission on Elections o Comelec at sa Armed Forces
of the Philippines o AFP hinggil sa mga ipinapatupad nilang check point sa mga
sulok ng probinsiya.
Bukod dito tatalakayin sa kanilang
pagpupulong ang pinal na deployment ng kanyang mga tauhan sa araw ng eleksiyon.
Dagdag pa ni Peralta, na wala namang may
naiulat sa ngayon na eleksiyon related violent ang kanyang pamunuan simula ng
mag-umpisa ang kampanya sa lokal na posisyon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento