Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 palapag na dormitoryo; natupok ng apoy sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Nasunog ang dalawang palapag na dormitoryo na nasa Arcedo St., Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 10:00 ngayong gabi lamang.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay Purok President Aida Vallescas nabatid na ang nasunod na dormitoryo ay lumang bahay at karamihan ay gawa sa kahoy.

Tuluyang natupok ang Miriam’s Dormitory kahit pa man agad na nakaresponde ang mga kagawad ng apoy.

Nahirapang pasukin ng mga bumbero ang nasabing bahay dahil sa makitid na daanan nito.

Ayon sa opisyal, may tatlong estudyante umanong nakatira sa nasabing dormitoryo, pero inihayag nitong nasa ligtas naman silang kalagayan ayon sa kasama nito sa bahay ng mangyari ang sunog.

Wala naman umanong may na trap sa nasabing sunog.

Tuluyang naapula ng mga kagawad ng pamatay apoy ang sunog pasado alas 11:00 na ng gabi.
Ang masakit pa, bukod sa mahirap pasukin ng firetruck, may deperensiya pa ang ilang hose ng bumbero na nagresponde sa nasabing sunog.

Wala namang may nadamay na mga kalapit bahay ang nasabing sunog.

Di pa mabatid kung anu ang pinagmulan ng sunog makaraang wala umanong kuryente ang nasabing dormitory dahil sa naputulan ito. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento