Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bahay ng isang negosyante sa Kabacan; hinagisan ng Granada!


(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013) ---Naging tensyunado ang ilang mga resident eng Kabacan makaraang tinapunan ng granada ang isang residential House na nasa Zamora St., ng bayang ito alas 7:00 kagabi.

Ayon sa report ng Kabacan PNP inihagis ng mga di pa nakilalang salarin na riding in tandem sakay sa Single Honda TMX ang bahay ni Jona Baylen Raquel, 37 taong gulang, may asawa at negosyante.

Maswerte namang di sumabog ang granada pero nabasag ang window glass ng bahay ng mga biktima kungsaan lumusot pa ang granada sa mismong bedroom ng mga biktima.

Agad namang dumating ang EOD Team at sa pagsisiyasat ni P03 Arner Gallera ang narekober na pampasabog ay isang fragmentation hand grenade.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sa direksyong papuntang Maria Clara St.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP kung anu ang motibo sa nasabing panghahagis ng Granada. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento