(Midsayap,
North Cotabato/ April 9, 2013) ---Dahil sa nararanasang ‘rotational brownout’
partikular sa mga bayang siniserbisyuhan ng Cotabato Electric Cooperative o
COTELCO-PPALMA ay humingi ng paumanhin ang pamunuan ng kooperatiba sa mga
konsumidores nito.
Ipinahayagag
ni COTELCO- PPALMA OIC Manager Felix Canja ang ‘sincere apologies’ ng
kooperatiba dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente para sa distrito uno ng
North Cotabato, ito ayon sa report ni DXVL PPALMA News Correspondent Roderick
Bautista.
Sa
layunin umano nilang makapagbigay ng dekalidad na serbisyo ay hindi nila ito
magawa dahil sa lumalaking kawalan ng ‘electrical energy supply’ na pwedeng
magamit.
Sinisikap
naman umano ng COTELCO-PPALMA na maserbisyuhan ng mahusay ang mga konsumidores
nito kahit pa man limitado ang kuryenteng pwedeng magamit.
Hinikayat
naman ni Canja ang mga konsumideros na unawain ang kalagayan ngayon ng krisis
sa kuryente dahil may mga nakalatag nang paraan upang matugunan ito.
Samantala,
dumalo ngayong araw ang mga kinatawan ng COTELCO-PPALMA sa isang pagpupulong sa
Cagayan de Oro City.
Pag-uusapan
umano dito ang mungkahing solusyon ng Department of Energy na bumili ng
naglalakihang generator sets upang punan ang kakulangan ng energy supply sa
Mindanao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento