(Makilala,
North Cotabato/ April 11, 2013) ---MakilalaMahigit
limampung mga motorista na ang na-intercept ng Makilala PNP dahil sa
iba’t-ibang traffic violations sa unang quarter ng 2013.
Ayon kay Makilala PNP Chief of
Police Inspector Rizal Alulod, kabilang sa mga violation ay ang pagbiyahe ng
walang suot na helmet, no license plate, driving without license at iba pa.
Pinagbayad raw ng penalty ang mga
nadakip na violators, ayon pa kay Alulod.
Maliban rito, ilang mga motorsiklo
na rin daw ang kinustodiya ng Makilala PNP dahil sa kuwestiyonable o kawalan ng
kaukulang dokumento ng mga nagmamaneho.
Samantala, maliban sa national
helmet act, pinalalakas din raw ng Makilala municipal police ang election gun
ban sa mga COMELEC checkpoints sa national highway ng Makilala, dagdag pa ng
opisyal.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento