(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013)
---Patuloy ang ginagawang koordinasyon ngayon ng Cotabato Provincial Police
Office sa Commission on Elections o Comelec at sa Hukbong Sandatahang Lakas ng
Pilipinas.
Ito para tiyaking maayos, tahimik at mapayapa
ang gagawing halalan sa Mayo a-13, 2013.
Kaugnay nito, sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni
Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta na wala pang eleksiyon related
incident na naitala sa probinsiya.
Inihayag pa ng opisyal na hindi pa
maituturing na election related incident ang nangyaring pagpatay kay Kabacan
Vice Mayor Policronio Dulay noong buwan ng Enero.
Ayon kay Peralta, nahuli na ang suspek at
nasampahan na rin ito ng kaso.
Nabatid na, na-i-commit na rin sa Provincial
Jail, Amas, Kidapawan City ang suspek na kinilalang si Jomar Pulindao Utala,
26-anyos at residente ng Brgy. Madidis, Datu Paglas, Maguindanao.
Ang suspek ay nahuli noong Pebrero sa isang
checkpoint sa Kabacan dahil sa pagdadala nito ng di lisensiyadong ammunition ng
kalibre .45 na pistol.
Kaugnay nito, bagama’t may nagpapatukoy na
election related incident ang pagkamatay ni Vice Dulay, ipinauubaya naman muna
ito ngayon ng opisyal sa korte at sa prosecution ang kaso kungsaan umaasa si
Peralta na sa lalong madaling panahon malalaman din kung sinu ang mastermind at
ang motibo sa krimen.
Habang, ipinahayag ng opisyal na
kriminalidad ang problema sa bayan ng Kabacan at hindi pulitika, ito makaraang
tumaas ang kaso ng nakawan ng motorsiklo sa bayan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento