Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

0-17 buwang sanggol sa Kabacan, isasailalim sa Garantisadong Pambata Program ng DOH


(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Sasailalim sa Garantisadong Pambata Program ang mga 17 buwang sanggol pababa na mga bata sa bayan ng Kabacan bilang taunang programa ng Department Of Health o DOH.

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan  kay Municipal Health Emergency Management staff Honey Joy Cabellon, RN gagawin sa April 15 hanggang sa Mayo a-22 ng kasalukuyang taon ang nasabing aktibidad.

Ang GP activity ay kinabibilangan ng pagtitimbang, pagbibigay ng libreng Vitamin A at deworming.

Bukod dito, bibigyan din ang mga nagbubuntis na ina ng ferrous sulfate kasama na ang mga lactating mothers.

Sinabi ni Cabellon na maliban sa nabanggit na aktibidad, magsasagawa rin sila ng enlistment o data bangking sa mga ito.

Ang programa ay naglalayong palawakin ang public health services ng DOH sa mga constituents nito.

Kasama sa pag-iimplementa sa programa ang Barangay council chairman, BHWs, BNS at community Health Team member. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento