Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LGU Kabacan; bumalangkas ng Oplan USM para tutukan ang krisis na kinakaharap ng Unibersidad


(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 5, 2013) ---Matapos bumalangkas ng mga posibleng solusyon ang Municipal Peace and Order Council ng LGU Kabacan nitong nakaraang linggo hinggil sa nagpapatuloy na gusot sa University of Southern Mindanao.

Nagpalabas ngayon ng isang “open letter” si Kabacan Mayor George Tan ng kanyang binuong oversight committee, bilang chairman para bigyang pansin ang krisis sa USM.

Batay sa mga kumakalat na kalatas ang komite ay nagbuo ng LGU Kabacan Peace Committee on Oplan;USM kungsaan ang dating alkalde at may bahay ng punong ehekutibo ang inilagay bilang peace ambassador.

Ito matapos na makuha ng unang ginang Luzviminda Tan ang parangal bilang awardee ng 2005 Gawad Galing Pook with Special Citation on Local Peace Building initiatives.

Sa nasabing sulat, nababahala kasi ang punong ehekutibo sa mga nangyayari sa Pamantasan makaraang nagpapatuloy ang kilos protesta at ang pagsasara ng mga pangunahing lagusan ng Pamantasan noong kasagsagan ng rally sa USM.

Aniya, bagama’t walang pinapanigan ang Pamahalaang lokal ng bayan at ang oversight committee, nais lamang ng alkalde na maibalik sa normal na sitwasyon ang USM, na siya’ng nagdadala ng sigla sa ekonomiya ng Kabacan.

Bukod dito, nababahala din ang opisyal na baka lalala pa ang sitwasyon at posibleng hahantong sa pagsasara ng Pamantasan o di kaya ay mailipat ang tanggapan ng Pangulo ng USM sa USM Kidapawan kung magpapatuloy ang gusot sa USM Main campus.

Maliban dito, naniniwala ang opisyal na malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng Kabacan at baka mapag-iwanan din sa paglago ang bayan.

Kaugnay nito, hinikaya’t ngayon ng alkalde ang lahat ng mga stakeholders na maging mahinahon, magnilay-nilay at payapaan ang puso ng sa gayun ay makapag-isip ng mabuti para sa mas mapayapang USM, mapayapang Kabacan hangad ang kaunlaran habang ang USM ay nasa ilalim ng pangunguna ni OIC Dr. Teresita Cambel. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento