Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Oplan Sumvac, itinatag ng Provincial Police para ngayong summer



(CPPO, Amas, Kidapawan City/ April 1, 2013) ---Itinatag ngayon ng Cotabato Police Provincial Office ang Oplan Sumvac o Summer Vacation bilang paghahanda ng hanay ng PNP ngayong summer season.

Ito ang sinabi ni Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya matapos ang apat na araw na bakasyon at paggunita ng Semana Santa, iginiit nitong naging matahimik at matiwasay sa kabuuan ang probinsiya ng North Cotabato maliban na lamang sa ilang mga pity crimes.

Sinabi ng opisyal na wala namang mga major incidents sa probinsiya partikular sa mga lugar na kadalasan nangyayari ang krimen maliban na lamang sa nangyaring robbery sa bayan ng Makilala at illegal possession of firearms sa bayan ng Mlang na naireport nitong kasagsagan ng Holy week, ayon kay Peralta.

Sa ngayon nakabantay naman ang kanilang highway patrol group sa mga National Highway habang tinututukan din naman ng kanyang mga tauhan sa bawat Municipal Police Station ang mga terminals na inaasahang dadagsain ng mga magbabalik trabaho at mga nagsiuwian.

Samantala, binabantayan din ngayon ng PNP ang mga erya ng Arakan, Magpet, Pres. Roxas at Antipas dahil sa namataan sa lugar ang presensiya ng New People’s Army o NPA noong kasagsagan ng paggunita ng Holy week.

Sinabi ni Peralta na naka-full alert ngayon ang kanyang tropa, bagama’t walang anumang insedenteng nangyari sa natukoy na lugar. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento