(North Cotabato/ April 3,
2013) ---Nakarating na kay COMELEC North Cotabato Acting Provincial Supervisor
Atty. Kendatu Lagialam ang mga reklamo laban sa mga campaign materials na
nakakalat sa daan.
Pero ayon kay Lagialam,
wala pang formal complaint na isinampa sa kanyang tanggapan patungkol sa
naturang mga reklamo.
Una ng sinabi ni Lagialam
na dapat ay sa common posters area lamang dapat ilagay ang mga campaign
materials.
Mas magiging mabilis din
raw ang aksiyon ng COMELEC North Cotabato kung magsasampa ng pormal na reklamo
ang mga mamamayan.
Sinabi rin ng opisyal na
alam ng mga kandidato ang mga gawaing ipinagbabawal sa panahon ng
eleksiyon.
Pero nangako naman si
Lagialam na aaksiyunan ang mga reklamo laban sa mga nakakalat na posters,
tarpaulins at iba pang campaign materials.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento