Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PNP at Comelec sa North Cotabato, magsasagawa ng coordinated conference sa pagsisimula ng kampanya sa lokal



(CPPO, Amas, Kidapawan City/ April 1, 2013) ---Umarangkada na nitong Sabado ang unang araw ng pangangampanya sa lokal na posisyon.

Ngayong araw, magsasagawa ng coordinated conferences ang kada hepe ng PNP ng munisipyo at Comelec election Registrar sa bawat bayan para tiyaking maayos, tapat at malinis ang gagawing halalan sa Mayo.

Ito ang inihayag ni S/Supt. Danilo Peralta, hepe ng Cotabato Police sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya, nitong Miyerkules ay nagkaroon ng provincial covenant signing na pinangunahan ng mga provincial candidate na isinagawa sa bayan ng Midsayap.

Ang nasabing covenant signing ay pinangunahan ni incumbent Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at dating Gov. Emmanuel “Manny” Piñol.

Dumalo din sa nasabing signing sina Congresswoman Nancy Catamco, Mr. Fernando Sacdalan at ilan pang mga opisyal kasama na rin dito ang mga Sannguniang Panlalawigan members at candidates.

Samantala, nakatakdang pag-usapan naman ngayong araw sa gagawing coordinated conferences ang mga common poster area, omnibus election code at marami pang iba hinggil sa election. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento